|
|
Kebert is the given name. Living for about 15 years. Currently studying 4th year level at Taguig Science High School. Hit my follow button and rape it ! :DD
 Music Playlist at MixPod.com
http://twitter.com/#!/kebkeb
http://www.facebook.com/profile.php?id=1782398306
|
UN
Hello . Last day ng periodic. UGHHH. Ayko na dun. Shitness lang. :(( Ambaba ko lahat. Yun lang. :)) Pero AP talaga ung nakakainis eh. 35/60. Oh dba? San ka pa? Tngna talaga. >.< Shettttt. Tas nung UN. As usual photographer forever. Kelan ba pwedeng ako na lang sasali sa pageant tas ako na lang pipicturan. UGHHH. Haha. Pero nung first year ayun nakasali na ko sa UN. Syempre. Hindi nanalo. LOL. HAHAHA. Tapos nun, ayun. so proud na 1st runner up si Ple tas si Jiduy 3rd runner up. Isa lang masasabi ko. Mas mabuti ng i-accept kasi alam mo naman kung sino talaga ang nanalo. Pero hayaan mo na. Ganyan talaga ng buhay. pagalingan sa mga PUTAhe. HAHA Magagaling diyan ung mga nagluluto . HAHA
2nd day of periodic exams
Helllllllllllllloooo! Eto nanaman ako. haha. NAgsimula araw ko ngaun nagising ako mga 6:20 na. kumain ako ng breakfast. Tas naligo kagad. Nagbihis deretso sa skul. Tas ayun nakapunta na sa skul. Tas ayun nag-exam lang kami sa english, calculus, Values at TLE. Nabangag ako sa TLE. :((( Wala akong narebyu. :((( Achchuchuchuchu. nagmumurang 37 lang. :(((( Pero bumawi ako sa TLE. Highest ako! Yey! Onti lang aral nun. HAHA. 47/50. HAHA yabang ko. LOL. Pero dapat talaga perfect un. Nagbura lang ako. Shizzlesss. :\\ Sayang, Tngne. Ayun. Sa english. nagulat ako 50/60. HAHA grabidad. ang galing ko manghula. :)) HAHA. tapos ung calculus. ewan ko kung anung nangyare sakin. 40/50 ako. Dpat 40+ para pasado. bahala na . HAHA. Mabait yan si sir Cruz. HAHA. Tapos ayun nag-uwian na kami. Tas kasabay ko si Tapa . Tas ayun nagkwentuhan kami ng kakaiba. HAHA. hanep. LOL. Tas aun natulog na ko pag-uwi. Ang koooorni. Pero okay lang naman. Masaya unti. Bukas Mapeh, fil, physics, at AP. Shet. :)) Haha. wala ako masyadong alam sa AP. :\\ Bukas na lang ako magrerebyu. UGHHHH. Goodnight na. ;) Salamat ulit sa pagbabasa.
DSLUCET
Eto na ung araw. NAgising ako ng mga 9 AM. Tas sabi ni mama dumaan daw si Aubrey sa bahay. mga 11 daw ung time ng pagkikita namin. Tapos nun, kumain ako. Nakatatlo akong doughnut na Krispy Kreme. My favorite. ughhh. HAHA saraaaap. Yum. Tapos aun. Inantay kong matae ako. Tas mga aroung 10 na. ayun najejebs na me. Tas nagcr na tas naligo. Tas pagkatpos maligo ayun nagbihis na ko. :)) Tas napansin ko na fit na sakin ung pantalon ko. Shet. Tumaba na ako. haha. okay lang yan. yun naman ang gusto ko eh. :))Tapos. Kummuha na ko sa wallet ni papa ng pera ko paraa baon sa La Salle. Tas ayun nagpaalam ako sa pinsan ko. Kay Danbi. HAHA. Tas nagpaalam ako kay mama sa clinic namin. Ayun goodluck lang alam niyang pambungad sakin. Tas ayun sumakay na ko ng trike. Kasabay ko mga tibo. :)) Shet. HAHA. Tapos nabasa ko ung message ni aubrey na 11:30 pa daw kami magkikita eh mgaa 11 na un. Nagpaload ako tas naghinty ako sa ministop. Tas antagal ni Aubrey. haha. kumain muna ako ng lollipop ko. :)) Ansarappp. HAHA. Tas ayun dumating na siya sumakay kami ulit ng trike papuntang FTI . Tas sumakay kami sa FTI papuntng pasay. Tas nag LRT kami papuntang Vito Cruz. Ayun nakasalubong namin ni Aubrey si Mich. Tas si Minea naman. HAHa. ang ganda ni Mineheart. Hiniraman namin siya ng lapis, kasi nakalimutan ni Aubrey. Tas ako hiniram ko ung pantasa niya.Tapos aun na pumasok na kami ni Aubrey sa building ng Br. Andrew bla bla bla. Tas aun nag elevator kami. tas 10th floor. Ang taas haha. tas ang wiwieird ng mga kasabay namin. Inaanty ko talaga makakita ng maganda ung tipong mukang taga la salle talaga. Pero wala pa rin. Tas ayun nakasakay ata namin si Lauren. Di ko alam kung siya yun. HAHA. Tas ayun na kumain muna kami ng knick knacks na milk. HAHA nakalagay pala sa test permit na before 30 mins hindi before 2 hrs. hanep si aubrey, HAHA. Tas aun pinapasok na kami. Tas tatlo palang kami magkakasama sa room 1007 . Tas ayun ang yayabang nila nagrereview pa sila ako nga tahimik lang. Si aubrey kasi nasa room 1003 sama sama sila nila rona at dabu. Tas ayun. Andami ng dumating. Nakikita ko ung ibang girls tumitingin. Ang tatalandiii. HAHA lol. Nginingitian nila ako. Shet. HAHA. Tas ayun. Nagsimula na . Tas ayun na. Unang test di ko natapos sa oras. shet hustle talaga. :)) Tas nung part 2 na. Math yun. ewan ko basta marami naman ako nasagutan. Tama lang. Tas sunod english ata. Tas ayun masaya naman ako. HAHA. Tas sunod break for 15 mins. Pumunta ako sa room nila aubrey. Andaming mga matang nakatingin. Di ko kayang tiisin. HAHA Tas ayn na. nagantay ako sa room 1004 antagal ko dun. hindi pa rin nagrereply si aubrey. tas nakita ko si Dabu. Ayun lumapit ako andun na sila kumakain. Nakikain na din ako haha. Tas yun malapit na mag time bumalik na ko. Tas sunod na tesst hindi ko alam kung anu, nakalimutan ko na bsta ung science ung sunod tas ung overall na ata. ewan ko. bsta 60 mins ung last part. Tas napansin ko. Nag-eye to eye contact kami nung isa. Tas lumingon ako sa iba tas pagbalik ko ng tingin sa kanya nakatingin pa rin. Dafuqqq. Ayun kunyare nagtulugtulugan ako. number 5 ung seat ko. Tas ayun. Di ko alam mga pangalan nila wala akong kakilala ni isa. HAHA shet langsss. Nasa sulok ako sa pinakasulok. HAHA tapos ung katabi ko la. Andaming pimples. NAgtataka ako kung bakit ambilis sumagot. yun pala Philippines Science High School. Shet ayoko na . HAHA. Tas ayun nung uwian na. kinuha ko na ung bag ko sa harapan. Tas naghihi sakin ung mga mata nung iba. :)) Tas ayun na hinanap ko na sina aubrey. pero umihi muna ako tas nag pulbo. Tas ayun na lumabas na sina aubrey dabu at rona. Tas sumakay na kaming elevator. Tas umalis na kami. pumunta muna kami ng seven 11. tas ayun kumain ako ng hotdog sandwich tas isang choc-o tas isang skittles. :)) ANtakaw ko. Tas ayun. Nakita daw nila rona si Ma’am Recaido. Dapat sumabay na lang kami. Shet. AHAHAHA. Tas ayun na . naglakad na kami. tas nilibre ko sila sa mcdo ng sundae. :)) Ayun. nag lrt na kami. Tas hiwalay pala ung lalaki at babae, Shet. buti na lang pinuntahan ako ni rona sa men area. HAHA. mawawala ako pag wala akong kasabay eh. :)) HAHA . tas ayun na bumaba na kami. tas naglakad papuntang sakayan iniwan na namin si Aubrey kasi sinundo siya ng nanay noiya. tas habang naglalakad nakita ko ung mga nagtitinda ng manga. Shet ansarap nung mga mangaaaaaa. tas pula pa ung kulay ng asin ibig sabihin maanghang yun. Yummmyyyyy! shet nakakaasim. Ugh tas aun bumaba na kami ni Rona tas naiwan si Dabu. Tas ayun sumakay kami sa Jeepney. Sabi ko sa driver magkano po c5 shet. Tas binawi ko sabi ko magkano po papuntang c5 waterfun. Tas ayun na. Nakarating na kami sa c5 tas si rona bumili ng white chocolate na cornetto tas pasalubong niya daw sa nanay niya. Tas ayun sumakay na ko sa green na trike papuntang atis. Tas pag uwi ko. ayun kinamusta ako sabi ko ok lang. Hahaha/ Bahala na langsss. ayun kumain ako nagutom ako eh. Tas nagteks ako after 100 yearsss. HAHA. TAs ayun umakyat ako ng type nito tas ayun na. Matutulog na ko. Bye!!! Salamat sa pagbabasa. ;))
The day before the DLSUCET..
Hello ulit!
Eto gabi nanaman. :)) HAHA. Ayun kaninang umaga, mga 9:00 AM na ko nakarating sa school. HAHA. Ang aga ko. LOL. Basta maaga ako bakit ba. Ang wierd lang ng mga tingin ng iba sakin. Ewan ko ba. :)) Basta makapasok ako at hindi LATE. Tas ayun. First day ng Periodic exams namin. Dafuqqq. Research II at Advance Chemistry. Hanep. Walang rebyu rebyu. :)) Yan tuloy mababa mga scores ko. :)) Pero pasado ata ako sa Research. :)) Sa chem, Nevermind. HAHAHA. Tapos nun, napikon talaga ako knina.Kasi si Ma’am Generol ung proctor namin. Eh di siyempre ayan na ung mga asar nila sakin. Nainis ako. HAHA. Pero di naman talaga ako un. Sina Benjo talaga ung nagpauso nun eh. HAHA. Tapos nun. Umuwi na ko. KAsabay ko sa Pedicab si Mariele. Ang kasabay ko ngayon sa pag-uwi kasi kagalit ko ung mga besprens ko. Tas ayun. nakauwi na ko. Kumain ako. Tapos ayun dinala sa St. Lukes ung tita ko. Nahigblood. As usual St. Lukes naman ang takbuhan namin pag may nagkakasakit. Thanks God na medyo okay na siya ngaun. Nagkamali pa ung gamot na binigay nung tangang doktor na un. :)) Tapos ayun pumunta kaming market. Kasama ko ung parents ko, si kuiya ko pati ung girlfriend niyang si Ate Ice. Ayun kumain kami. Ang walang sawang Contis :)) LOL. At ang walang sawang order ko na Chicken BALLOUTINE. Di ko alam ung spelling nung balotin. HAHA Basta ayun. Tapos nun. Pumunta kami ng Nike. Bumili ako ng t-shirt para sa exam ko bukas sa La Salle. HAHA. Tapos nung nag UP ako Puma naman ung brand. Oh diba? Tas pag mag-eexam na ko sa Mapua. Ewan bahala na. HAHA. Tapos ayun. Bumili ako ng doughnut sa Krispy Kreme. Paborito ko un eh. :)) Tas namili ako ng pabango. Tas ayun wala. HAHAHA:))) Tas aun andito na ko ulit sa bahay. :)) Pinicturan ko ung mga tuta sa bahay. Si Bimbi tsaka si Chichay. HAHAHA Ang cute nila. Tapos umakyat na ko naghilamos. Tas eto inon ang laptop ng ina ko. Cra kasi ung desktop ko. :(((( Achuchuchu. Tapos aun. bumilis na ako sa paglalaro ng rubik’s cube. Tas aun lang sa ngayon. Goodluck sakin bukas sa DLSUCET. ;) Walang review review. Stock knowledge lang ang kailangan. :)) Goodbye! Salamat sa pagbabasa. HAHA
Ang araw ng pagbabago
Hello! HAHA. Ayun naisipan ko lang magpost ng gusto kong maging diary. Sisimulan ko na to mula ngayon. Tuloy-tuloy. Pero pag if ever na hindi na ko makapagblog pa muli. Ok lang. HAHA. So ayun, ngayon napagtanto ko na. Kahit kailan talaga nagpakatanga ako. Pero syempre hindi naman actually nagpakatanga kasi marami din naman akong nilandi nun. Yung feeling na hindi mo na lang dapat sinabi ung nararamdaman mo sa kanya. Tapos yung time na nun sinabi ko din na mahal ko ung isang tao. Oh diba? Napakasinungaling ko. Atleast inamin ko dito. Pero wala na kong magagawa nangyare na eh. Masakit lang sa feeling na sa sobrang taas ng pride ko nawalan ako ng masasabing tunay na kaibigan. Pero ayos lang. Ganyan ang buhay. Alam ko namang hindi ako papabayaan ni God. Mahal namin ni God ang isa’t isa. Lagi kami magkausap pag gabi. Ayun. Sabi niya nga rin sakin hindi talaga siya para sakin. Ayokong umiyak para lang dun. Kasi pag nasanay akong ilabas lahat ng nararamdaman ko baka masanay akong maging iyakin. Gusto ko lang ng normal na buhay. Yung walang pinoproblema. Pero napakaimposible naman nun. Siguro pag patay na ako ganun na ung feeling. 12:13 na ng gabi ngaun oh. Shit. :(( Wala pa kong narerebyu. Ansaya ko lang. Pero bukas na lang talaga ako mag rerebyu. Eto na lang talaga ung gagawin kong diary. Eto na ata ung araw na naramdaman ko ung hatred sa sarili ko kasi napansin ko na ansama ko na palang nilalang. Pero siyempre hindi naman ako magiging ganto kung wala silang nagawa. Pero ganyan talaga ang buhay. Papanindigan ko na lang ung mga nagawa ko. Kung may mga salita man akong nabitawan. Andyan na yan eh, di ko na kaya bawiin. Wala ng bawian. Ayoko lang talaga sa lahat yung sa lahat ng ginagawa ko ako na lang palagi ang nakikitaan ng mali. Ano ba kayo? mga putangina. May sarili kayong buhay. Wag na kayo makisawsaw please? Nakakainis na talaga eh. HAHA Pero masaya pa rin ako . Wala na eh. Wala na talaga. Ayun ganto naman ako palagi pag trip ko palitan ung tao. Ayun hahanap ako ng ibang mas mukang liligaya ako sa kanya . Tas panglalandi lang pala un. HAHA Ansama ko talaga. PEro ganun na nakasanayan ko eh. Wala ka ng paki dun. Isa lang naman ang masasabi ko eh. Minsan lang ako magbigay ng halaga sa mga tao. Bukod sa mga magulang at kadugo ko. Isa ka na sa di inaakalang pinahalagahan ko. Pero marunong din ako magsawa. Kaya ayun. Babay feelings. Itataga ko sa bato ngaun na hindi na ko magkakagusto sayo. Wala na talaga. As in. Nagtaka lang ako kung bakit kita nagustuhan. or sana na lang talaga hindi na lang tayo nagkakilala. First bonding natin na naalala ko ay nung bumaha sa tagsci. Tapos ayun ang baho amoy isda. Suspended ang klase natin. Deretso tayo sa bahay nila Rona. Tas ayun. dun kita nakasama. Pero ngayun, Siguro kailangan ko ng putulin kung anuman ang umuugnay satin dalawa. MEron nga ba? HAHA Sabagay. Siguro naman meron. Ang dami ko pang gusto sabihin pero matutulog na ko kasi gabi na. MAy bukas pa naman eh. Sana matataas ung mga scores ko sa periodic. Sa lahat. Gusto ko mag-aral pero ayaw talaga ako sipagin eh. >.< Salamat na lang sa pagbabasa ng walang kwenta kong post. BAYYY!
UPCAT 2012
SATURDAY, AUGUST 04, 2012
Nagising ako ng mga 8:00 AM ng umaga. Medyo kinakabahan ako hindi dahil sa test kundi dahil sa baka tawagin ako ng kalikasan sa time ng pagtetest ko. Hindi ako makakapag sagot ng maayos pag nafifeel ko na natatae ako habang nag-iisip kung paano sagutan ang test. Nadala na ko nung nag take ako ng entrance exam sa Taguig Science High School. Habang nag tetest ako noon, ansakit ng tyan ko. hindi ko na alam ang gagawin ko. Room #6 ako nun. Tas ang Instructor namin si Sir Cesar Cruz. Naka ilang beses akong nagpaalam kay Sir Cruz para lumabas ng room at pumunta sa comfort room. At ang kinalabasan. Waiting List lang ako. Kaya nag take ulit ako tas sa awa ng Diyos nakapasa na din ako kasi hindi ako kumain ng breakfast bago mag-exam nung pangalawang take ko na. Oh diba, may impact talaga yung bagay na yun eh. Balik tayo sa UPCAT experience ko. Pagkagising ko, medyo natagalan bago ako bumangon sa kwarto ko. Andami kong inisip noon, marami masyado para sabihin ko pa dito. Tas mga after 30 minutes, ayun nasipagan na kong bumangon. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin, tinanong ko yung sarili ko kung papasa ba tong mukang to sa UPCAT at kung karapat dapat ba kong makapasa sa UPCAT. Ansaya diba? Parang wala akong tiwala sa sarili ko. Pero honestly, gustong gusto ko talaga mag-aral sa Mapua Institute of Technology. Doon kasi nag-aaral yung kuya ko, gusto ko kasing i-prove na mas better ako sa kanya. Lagi na lang kasing si kuya ang sinasabing yayaman pag nakagraduate na ng Civil Engineering sa school niya. Pero hindi naman ako magiging bitter pag yumaman na si kuya, siyempre magiging proud ako dahil may kapatid na akong Civil Engineer na magpapaaral na sakin. Hay nako, maiba na tayo. Bumalik na tayo sa UPCAT experience ko. Pagkatapos kong tignan ang sarili ko sa salamin, bumaba na ko sa kainan namin sa baba at kumain ako ng Honey Stars Cereal na may Fresh Milk. Dinamihan ko yung kain ko kasi balak kong yun lang ang kainin ko hanggang 7 ng gabi. Ayoko kasing mag take ng UPCAT kung walang laman ang tyan ko at ayaw ko ring mafeel ung pagtawag ng kalikasan sakin sa oras na tinitake ko na yung UPCAT. Pagkakain ko, may tumawag sakin, at ang saya ko dahil yung kalikasan yun. Ansaya ko dahil mamaya hindi na niya ko ulit tatawagan kaya kinausap ko na siya sa banyo. Sunod dun, Inayos ko na yung bag na gagamitin ko, tinanggal ko yung mga laman ng bag ko. Nilagay ko yung mga pagkain na binili ko kagabi sa Market. Puro candy yung binili ko kasi yun lang yung gusto kong kainin habang nagtatake ako ng exam. Tas naligo na ko atnag-ayos na ng susuotin. Nainis ako nung nalaman kong naiwan yung isa kong DC na sapatos na balak kong suotin sa araw ng UPCAT. Medyo nabadtrip na ko noon, parang nawalan na ko ng gana. Kaya naghanap ako ng sapatos na pwedeng i-partner sa damit ko. Nakita ko yung Nike na shoes ni papa na parang ung DC ko lang din kaya yun na lang yung sinuot ko. Color grey yung sapatos ko, Color black yung t-shirt ko tas Puma yun, tas yung pantalon ko naman Levis. Oh diba? Ang hilig ko sa mga branded clothes. Brief ko nga branded din. Ansaya diba? Tinawag ako ng pinsan ko, si Danica pero tawag ko sa kanya Danbi kasi Danica Bianca buo niyang pangalan. Ang hilig ko mag pangalan sa mga taong kakilala ko. Kinausap niya ko. Sabi niya galingan ko daw tas good luck daw tas Godbless. Ang nakakatwa lang, sabi niya wag daw ako matatae habang nag-eexam. Oh diba? Pati siya alam niya yun. Siya kasi yung pinaka close ko na pinsan. Lagi kaming in sa isang trip. Astig kasi yung siya kaya simula pa nung bata magka vibes na kami. Tapos noon lumabas na ko ng bahay, tas dumeretso ako sa bahay ng lola ko. Nagpaalam ako sa kanya, sabi niya galingan ko daw. Favorite kasi ako ng lola kong iyon kasi daw kamuka ko daw siya. Pero ayoko siyang kamuka kasi gusto ko unique yung muka ko. Tapos noon, lumabas na ko tas nung pasakay na ko sa kotse namin ginoodluck ako lahat ng tao sa compound namin. Oh diba? Nakakataba ng puso kaya nahihiya ako pag bumagsak ako sa UPCAT. Tapos actually, kinakabahan ako baka malate ako kasi mga 10:30 AM na noon at ang saya dahil hindi alam ni papa papunta sa UP Diliman. Tapos nung papunta na kami, ansaya dahil nakikita ko na yung mga dinaanan namin ng mga classmates ko nung nag pasa kami ng application form namin sa UPD. Tapos noong nakapunta na kami sa loob ng UPD, may isa nanaman akong problema, hindi ko alam kung saan banda sa UPD yung Law Center. Pero niligtas ako nung tarpaulin na nakapost na kung saan yung Law Center. Nabunutan na ako ng tinik sa lagay na yun. Mga 11:30 na nung nakarating kami sa UP. Nag park na si papa, tapos naglakad lakad muna kami. Hinanap muna namin yung restroom kasi hindi ko alam kung saan yung malapit na CR sa may Law Center. Tas nung nahanap na namin, umihi muna ako nun. Tapos mga 11:45 na noon. Nag paalam na ko kina mama at papa na pupunta na ko sa Testing Center ko. Tapos ayun dumeretso na ko papuntang Law Center. Tapos habang papunta na ako dun, umulan ng malakas tas anlakas ng hangin. Nawala ako sa katangahan ko lumagpas ako. Hindi ko alam kung nasaan na ako. Kaya may shed doon na malaki, pumunta ako doon tapos nag patila ako ng unti. Grabe, basang basa ako. lalo na yung sapatos ko tas medyo sa katawan tas yung bag ko basa na rin. Yung pantalon ko basa sa may baba kaya anlamig. Noong medyo humina yung ulan, nagpatuloy na ko sa paglalakad dahil tinignan ko yung mapa na binigay sakin noong nag pasa ako ng application form. Tapos may nakisabay na sakin lumakad. Mga epal, english ng english nasa Pinas kami. Haay nako kung pwede lang ingudngod mga muka nila sa baha eh. Tapos pumunta ako sa harap ng Law Center. Nagtataka ako kung bakit puro nanay at tatay yung mga nasa labas. Anu yon? Magtatake din sila. Hanep lang eh. Tapos may narinig ako na sa may likod daw yung pila at sa harap daw lalabas yung mga kakatapos lang magtake ng test. Tapos pumunta na ko sa likod, nakakahiya sa mga nakapila na doon. Grabe yung mga mata nila, makatitig parang wala ng bukas. Naglakad ako with my head held high. Oh dba? Astig lang. Tapos noong pumila na ko, may nakatitig sakin na girl, may kamuka siya sa Tag Sci na school mate ko dati pero nakagraduate na. Tapos yung isa naman kamuka ni junjun(kaklase kong lalake na babae). Nakakatawa dahil medyo maganda. Medyo lang. Ansama ko lang diba? Sa totoo lang pintasero akong nilalang kaya watch out. Biro lang! Dati lang yun, pero ngayon nagbago na ako. Tapos ayun, antagal namin pumila halos mga 1 hour and 30 minutes. Hanep diba? Astigin lang eh. Pagkatapos naman nun yung nasa likod ko, dikit ng dikit sa bag ko. Anu siya snatcher? Wala naman siyang makukuha sa bago ko puro pagkain laman nun. Tapos ayun, nung nakita kong pinapasok na yung iba, Thanks God dahil sa wakas ay makakapasok na kami at makakapag take na ng UPCAT. Ansaya lang. Tas noong pagpasok, may salamin doon, nakita ko sarili ko. Shet ang itim. Okay lang. Kamusta naman yung iba na parang totong na. Pinoy naman ako kaya ayos lang magkaroon ng kulay kayumanggi. Tapos umakyat kami. Grabe nakakapagod. Tapos noon, Nakita ko yung mga kasama ko sa loob ng testing room. Yung iba muka ng mature, antatangkad na. Yung iba naman parang elementary. Pero parang tingin ko, matatalino sila lahat. Pero inisip ko na lang na matalino din ako. Tapos naman noon, pinapasok na kami sa testing room. 4th floor, Penthouse daw yun. Pinaupo ako sa may gilid. medyo likuran. Tapos tinanong kung sino daw yung may pencil na hindi quality itaas ang kamay. Tinaas ko yung kamay ko kasi yung lapis na nadala ko ay Faber Castle na point 2. Eh ang dapat daw na gamitin Mongol na number 2. Nakakahiya kasi akala nila ang hirap hirap ko. Grabe sila makatingin. Pero hindi ko na lagn sila pinansin. Inisip ko ulit na wala akong paki sa kanila. Yung test lang yung papansinin ko. Tapos nag salita na yung instructor. Pinong-pino yung boses. Lalaking-lalaki yung boses. Ang gwapo ng boses, pero yung muka. Ewan. Ang sama ko talaga. Lait ako ng lait ng mga tao. Tapos naman noon, ayun na nagsimula na. Nag fill-up muna kami ng mga pangalan mga ganun ganun. Tas yung ID number ko ay 10446. Hindi ko na maalala yung pin # ko. Basta may 7,1,3, at 5 yun. Pagkatapos i-fill out yun, pinasagutan na yung English. 50 minutes lang yung time. Pagbukas ko pa lang. Owshit, papasa ata ako. Tapos nung mga nasa kalagitnaan na ko ng english test. Naiiyak na ako. hindi kasi ako magaling sa mga synonyms. Tapos nung filipino na ngumiti ulit ako dahil magaling ako dun. Pagkatapos nung English, Science naman. 50 minutes din ito. Grabe ang unti lang ng nasagutan ko ng tama. Kaya bahala na si Lord na itama yung mga sagot ko doon. Sunod Math naman at 1hr and 20 minutes ito. Noong una, medyo kaya pa. Tapos pag dating sa mga Geometry na, ansakit sa bangs. Oh diba? Pero sa hulihan ng math, napangiti na ko muli. Tapos yung huli yung Reading Comprehension, napangiti din ako dito. Kasi medyo nadalian ako. Habang tinatake ko yung UPCAT na ito, paunti unti lang ako kumakain kasi nakakahiya baka kasi mamaya nakakadistract yung pag nguya ko ng junk foods kasi sobrang tahimik. Kaya kinain ko lang yung sour gecko. Tapos nung kinain ko yung Nerds. Ang ingay pag tinataktak. Bahala sila diyan, nagugutom na ako eh. Tas sinumulan ko na rin kainin yung junk food bahala na kung maingay yung pag nguya ko. Wala silang paki. Tapos yung last part ng examination yung essay part. Natawa ako, kasi ang tanung, kung makaka-encounter daw ako na alien anu daw ung mangyyari. i-narrate ko daw. Tas ayun nag imbento ako ng kwento. medyo korni. Choco way yung pangalan ng galaxy. Tas ayun, may nakita akong planeta na may moon na iba’t ibang kulay. Tapos, pinuntahan ko yung planetang iyon. May nameet akong alien. Tas naging kaibigan ko siya. Tapos tinanung ko sa knya kung bakit ganun yung moon sa kanila. Sabi niya yung planet daw nila ung nagreresemble sa rainbow. English yung essay ko. Pero mas prefer daw yung mga tagalog. Bahala na. Eh yun yung gusto ko eh. It depends upon the examiner naman eh. Tapos nung tapos na, pinaayos na yung mga files. Basta andaming arte. Sarap sapakin nung instructor. Ang bagal mag dismiss. Gutom na ako eh. Tapos nun pinalabas na kami. Mga 7:00 PM na noon. Ansaya Tapos inunahan ko na siya kasi ang wierd niya kasabay lumabas eh. Tapos nakasabay ko naman lalaking maputi. Tapos dikit ng dikit. Ang OA makadikit. Tapos yung mga girls sa harap namin. english ng english. Ang sarap basagin yung braces sa ngipin nila. Ansarap ilagay sa lalamunan nila yung mga braces nila para hindi na makapag salita. Nakakainis sila mag-english eh. Baliko kung baliko. Walang hiya hiya. Tapos yung ibang girls sa harap namin naririnig kong pinag-uusapan yung mga taeng babae na english ng english. Tapos binilisan ko ulit yung lakad ko kasi ang OA makadikit nung lalaki. Tapos nakasabay ko mga girls naman. Tapos habang naglalakad. Dinidikit nung isa yung kamay niya sa kamay ko. Mga 5 times yun. Kaya binagalan ko ng unti. Tapos noong palabas na may nagvivideo samin sa labas. May dala siyang cam recorder tas vinivideohan lahat ng mga lalabas. Asitigin lang. Aritista na ako sa cam recorder niya. Tapos noong paglabas ko, andaming mga magulang. nakakatakot tumingin sa kanila. Tapos noon, nakita ko si papa. Tapos sumunod ko ng nakita si mama. Taps dumeretso na kami sa kotse. Ang saya ng UPCAT. Sabi ko sa kanila, kung sa patalastas sa TV ihanda ang lechon, sakin, ihanda ang form ko sa MAPUA. HAHAHA!!! Doon na lang ako. Kasi baka mag negative yung score ko kasi hindi ako nag leave ng kahit anong item na walang sagot. Kaya goodluck. Pero may tiwala ako sa sarili ko. Pinapaniwalaan ko na papasa ako. Think positive lang palagi. Baka nga maging oblation scholar pa ko. HAHA. Ansaya ko lang mangarap diba. Maging positibo lang yung pananaw mo. Pero wag lang aasa, kasi masakit sa dulo pag umasa ka tapos hindi yun yung inaasahan mo. Tapos noong pag sakay ko sa kotse namin, may KFC, kumain kagad ako. Nagugutom na kasi ako kasi mga halos 6 hours yung tinagal ko sa testing room. Tapos noon, naiihi ako, kinuha ko yung plastic sa may tabi doon na ako umihi kasi nakakatakot na lumabas ng kotse kasi madilim. Hindi ko na din mahanap yung restroom na inihian ko. Ang dilim kasi eh. Tapos noon, tinapon ko sa labas. hahaha. Ang dugyot ko lang no? pero totoo yun, no choice eh. First time ko yun. Tapos naman noon, pauwi na kami, naliligaw kami dumaan kami sa Makati, tas sa Pateros. HAHA di ko alam kung saan dumaan kaya natulog na lang ako. Tapos pagkagising ko nakauwi na kami. Ayun tinanong nila ako lahat kung kamusta daw yung exam. Ang sinabi ko lang. Natapos ko yung exam at medyo nahirapan ako. Kaya ayun. Ok lang daw kahit ano maging resulta. Tapos noon, natulog na ako. At doon natatapos ang UPCAT ko.
“Pumasa man o bumagsak, ayos lang, atleast nakaya kong i-take yung exam at may tiwala ako sa mga sagot ko at siyempre sa sarili ko.”
Kinda cute. :)
SO TRUEE !!!
I used to like to have a Mudkip costume.
My heart enormously beat and says “I Choose You!”
How i wish to eat a lot of this cool stuff. 8)
Pikachuu ! ^_^
1/10 older »
|